COAT OF ARMS
DIOCESE OF KALOOKAN

The Three (3) major symbols of the Coat of Arms represent the three jurisdictions that comprise the Diocese of Kalookan; namely:

The Monument at the very center represents Caloocan City from which the name of the Diocese was derived;

The Fishes on the right represent the City of Malabon; and

The Banca on the left represents the Municipality of Navotas

The red color of the lower half of the insignia symbolizes not only the valor of martyrdom of our Philippine heroes with which Kalookan is noted for, but, more importantly, the sanguine ardor, fortitude and love of the Diocese of Kalookan in the fulfillment of her mission.

The blue color of the upper half of the insignia denotes the Marian Character of the diocesan ministry.

The Cross on the top of the insignia signifies the centrality of Jesus Christ in the life and function of the entire Diocese of Kalookan while the dove, hovering above the monument, represents the Holy Spirit sanctifying the lives of the People of God – the bishop, priests, religious men and women and the laity – in the new diocese.

The theme, the latin words: DUC IN ALTUM” (Lk. 5:4) – “put out into the deep” – binds together all the elements of the insignia and captures the spirit and direction of the Diocese of Kalookan in the Third Christian Millennium.

The new diocese, powered by the love of Jesus and the grace of the Holy Spirit, sails forth with faith and courage, accompanied by Mary, to casts its net so that a bountiful harvest maybe reaped for the Glory of God and the salvation of souls.

COAT OF ARMS
BISHOP PABLO VIRGILIO S. DAVID

Ang Escudo ng Lub. Kgg. Pablo Virgilio S. David ay nahahati sa dalawang bahagi.

I. Ang kaliwang bahagi ay patungkol sa Diyosesis ng Kalookan.

Kaliwang bahagi, gawing itaas: ang bangka, lambat at pulutong ng isda ay sagisag ng tubigan sa mga pamayanang sakop ng Diyosesis ng Kalookan – ang mga lungsod ng Malabon at Navotas; nagpapagunita sa pagtawag ng Panginoon sa mga unang alagad sa pampang ng lawang Galilea, na pumalaot upang maging mamalakayang tao.

Kaliwa bahagi, gawing ibaba: ang Monumentoni Andres Bonifacio – Sagisag ng Kabayanihan at Kalayaan na sumasalubong sa mga manlalakbay mula sa Norte sa Lungsod ng Caloocan papasok ng Maynila.

II. Ang kanang bahagi naman ay patungkol sa personal na sagisag ng Obispo.

Kanang bahagi, gawing itaas: IHS, ang unang tatlong titik sa pangalan ni Hesus sa wikang Griyego, sagisag na nakaugnay sa kapisanan ng mga Paring Heswitang gumabay sa kanyang paghubog sa Kolehiyo at Teolohiya mula 1974 hanggang 1984.

Ang titik “M” na nakapaloob sa isang koronang binubuo ng 12 bituin, sagisag ng Seminaryong Ina ng Mabuting Payo na nagpausbong sa kanyang bokasyon sa pagkapari sa murang gulang na 11 hanggang 15.

Gitnang bahagi: ang puting bulaklak na lirio sa kaliwa ay pumapatungkol kay San Jose; ang lagare sa kanan ay sagisag din ni San Jose at ng Betis, bayan ng mga karpintero sa Pampanga at bayang  kanyang sinilangan. Ang seminaryong San Jose ang naghubog sa kanya sa pagpapakatao, pagpaka-Kristiyano, at pagpapakapari.

Sa gitna ay ang salitang “Alaya” o silangan sa wikang Kapampangan, nakatitik sa tradisyunal na Baybayin na sumisimbolo sa Pampanga, lalawigang kanyang sinilangan.

Kanang bahagi, gawing ibaba: Ang bukas na Bibliya na hugis kalapati: sagisag ng malaking bahagi ng Salitang Diyos sa kanyang buhay at paghubog, at sa apostolado ng pamamahayag ng Mabuting Balita sa TV, radyo at “social media”.

Ang titik “G” at pinagkurus na dahon ng oliba, sagisag ng titular na diyosesis ng Guardialfiera sa Italya, na itinalaga sa kanya ni Papa Benedicto XVI noong Hulyo 2006 hanggang Enero 2016, at nagging bahagi ng kasaysayan ng kanyang pagka-obispo.

Ang tungkod ng pastol na gawa sa kawayan at nakahugis na Chi-Rho: sumasagisag sa natatanging pagkapari at pagkapastol ng Panginoong Hesukristo.

Kenosis” – o lubos na pagpapakumbaba at pagbuhos ng sarili, hango sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Filipos: 2:6-11, nasa aki’y panulukang-bato ng prinsipyo ng pagiging alagad at apostol ng Anak ng Diyos na nagpakadukha upang sa kanyang karukhaan ang tao ay kanyang maiangat sa dangal ng pagiging mga anak ng Diyos.